Juliana Maria Naval
Author
罢础狈鈥擜碍础尝础
Bawat salitang lumalabas sa bibig
Mga pagsuyo ay nanatiling masigasig
Sa kanyang mga pangako鈥檡 nanalig
Kaya puso鈥檡 patuloy lumigalig
Humanga 鈥榩agkat siya鈥檡 kakaiba
Ako raw ay kanyang isasalba
Humupa ang mga pangamba
Kaya 鈥渙o鈥 ang isinagot sa kanya
Binalaan nila akong mag-ingat
At maghanda sa paglalim ng mga sugat
Ang aking mga mata ay mulat
Ngunit paningin ko raw ay salat
Sila鈥檡 hinayaang magsalita
鈥楶agkat sa kanya pa rin ang aking tiwala
Mga araw na lumilipas ay puno ng ligaya
Tila umaayon ang tadhana
Lumaon ay 鈥榙i maunawaan
Uuwing duguan mula sa bawat alitan
Hihingi ng kapatawaran kinabukasan
Muling tatanggapin nang hindi pinag-iisipan
Mga pangako niya鈥檡 sariwa pa sa alaala
Subalit bakit ibinalik ang tanikala?
Siya ay naiiba, ang aking inakala
Ngayo鈥檡 luhaang 鈥榙i makakilos nang malaya
Bulag sa kamalian, takot sa katotohanan
Ang dating kanlungan ay naging kulungan
Nanangan sa mga pangakong puno ng kapalaluan
Pag-asa ay nahanap sa maling katauhan
Marahil kaya tayo nilalapastangan
At hanggang ngayon, sigaw pa rin ay kalayaan
More to explorer
Third World Romance: The Real Filipino Love Story
鈥淜ahit pasukuin pa tayo ng sistema, ng buong mundo, ilalaban kita! Lalaban ako, kasama mo.鈥 For us Filipinos, the portrayal of romance in the
Teachers鈥 Day Program: A Breath of Fresh Air for Setonian Educators
To acknowledge the diligence and alleviate the stress of the 91制片厂 – South educators, allowing them a breath of fresh air and an
Grand Rosary Rally 2023: United in Faith and Justice
91制片厂-South (ESS-South) held its Grand Rosary Rally along with the Marian Procession on Friday, October 13, 2023, celebrating the theme: Unity of Prayer,